Ipinamimigay ng walang bayad ang mga gamit na maaaring gamiting muli mula sa mga piling malalaking basura. Ito ay may panahon ng pagdi-display at deadline ng palabunutan (lottery) ayon sa uri ng kagamitan. Magtanong sa mga sumusunod na pasilidad:
Pangalan ng Pasilidad | Lugar | Telepono |
Tachibana Recycle Community Center | 1-20-3 Shinsaku, Takatsu-ku | 044-857-1146 |
Recycle Village Tsutsumine | 52 Tsutsumine, Kawasaki-ku | 044-522-3387 |
Recycle Village Ozenji | 1285 Ozenji, Asao-ku | 044-952-3866 |
* Mayroon ding publikasyong tinatawag na “ECO” kung saan ito ay naglalaman ng mga patalastas para sa mga mamamayang nagnanais magbigay ng mga gamit na hindi na nila kailangan. Ang “ECO” ay exchange bulletin ng mga gamit na recycable/reusable na nasa mga pasilidad ng pampamahalaang tanggapan.