フィリピノ語の最近のブログ記事

Ang Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki ay nag-aanyaya sa mga dayuhang mamamayan dito sa lungsod na nais sumali sa taunang Nihonggo speech contest.
Panahon ng aplikasyon: Disyembre 1, 2023 (Biyernes) hanggang Enero 15, 2024 (Lunes)
Petsa ng contest: Pebrero 10, 2024 (Sabado) mula 1:00pm hanggang 3:30pm
(Sakali masama ang panahon, ito ay isasagawa sa Marso 2. Kung masama pa rin ang panahon sa Marso 2, ito ay kanselado.)
Lugar: Hall ng Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki
Paalaala: Hindi magkakaroon ng pagtitipon pagkatapos ng speech contest ngayong taon.

Kwalipikasyon sa pagsali: Dapat mapabilang sa isa sa mga sumusunod.16 taon gulang pataas, hindi pangunahing wika ang Hapon, at sa loob ng limang taon ang pagdating sa Japan.
① Dayuhan na nag-aaral sa high school, kolehiyo, o vocational school sa lungsod ng Kawasaki.
② Nag-aaral ng Nihonggo sa mga community center sa lungosd ng Kawasaki.
③ Nagtatrabaho o nagsasanay sa isang kumpanya sa lungosd ng Kawasaki.
Tandaan: Kinakailangan ng rekomendasyon mula sa principal ng paaralan para sa no.1 at no.2, at mula sa pinuno ng departamento sa kumpanyang pinagtratrabahuan para sa no.3.
Porma ng Speech: Ang speech ay hindi dapat lalampas ng limang minuto.
Bilang parangal sa pinakamahusay na tagatalumpati, may premyo na voucher katumbas ng tatlongpung libong yen.

Para sa iba pang mga katanungan tungkol sa aplikasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki.
Tel. 044-435-7000 https://www.kian.or.jp/kic/topics/speech23.shtml
Inaasahan namin ang inyong paglahok.

Dito sa Kawasaki International Center ay taun-taong kaming nagdaraos ng seminar tungkol sa pasukan sa elementarya at nagbibigay din kami ng mga second-hand na RANDSEL, school supplies at damit para sa opening ceremony sa mga nais na makatanggap.
Kung mayroon kayong pwede pa magamit na RANDSEL, school supplies at damit na maaring magamit sa opening ceremony o ibang school event na nais ninyong ipamigay o idonate para sa mga bata ngayong pasukan, mangyaring makipag-ugnayan sa amin. Tumawag sa Tel. 044-435-7000

Tulad ng aming naunang ipinaalam, nagsimula na ang pagrerenovate sa pasibilidad ng center. Ang One-Stop Center ay patuloy ang serbisyo para sa mga konsultasyon gaya ng dati (Sa pamamagitan ng personal na pagtungo, telepono, Zoom, email, at fax), ngunit maaaring marinig ang ingay mula sa mga konstruksyon na ginagawa. Sana po ay maunawaan ninyo ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang aming website o magtanong sa telepono.

https://www.kian.or.jp/lph/kic/soudan.shtml
https://www.kian.or.jp/

Ang kasaysayan ng fireworks sa Hapon ay nagsimula mahigit 430 taon na ang nakakaraan, noong panahon ng Sengoku period (may mga iba't-ibang teorya tungkol dito). Sa panahon ng Edo, may mga talaan na nagsasabing pinanood din ng shogun na si Tokugawa Ieyasu ang mga fireworks, at patuloy ang suporta ng mga mamamayan sa Edo sa kultura ng fireworks kaya hindi nawawala ang kultura ng fireworks hanggang ngayon.

Ang pagdiriwang ng anibersaryo ng organisasyon ng lungsod ng Kawasaki City ngayong taon ay sabay isasagawa kasama ng Setagaya-ward ng Tama Fireworks Festival Event sa ika-21 ng Oktubre (Sabado). Sa loob ng isang oras mula 6:00 PM hanggang 7:00 PM, magpapaputok ng halos 6,000 shots ng fireworks sa mga pampang ng Tama River. Kaya lahat ay inahanyahan na manood at isama ang pamilya at kaibingan at mag-enjoy habang pinapanood ang mga paputok

Oktobre 21, 2023 (Sabado) 6pm–7pm Lugar : Tamagawakasenshiki “Impormasyon tungkol sa Fireworks”

https://www.city.kawasaki.jp/280/page/0000060068.html Panlabas na Link
https://www.k-kankou.jp/fireworks/ Panlabas na Link

Dahil sa pag-aayos at renovate sa pasilidad, isasara ang paggamit ng pangunahing gusali ng Kawasaki City International Exchange Center mula Oktubre 1, 2023 (Linggo) hanggang Enero 3, 2024 (Miyerkules).

Habang niaayos ang aming pasilidad tumatanggap pa rin kami ng konsultasyon ng mga dayuhan. Subalit, maaring magkaroon ng ingay mula sa konstruksyon o pagrenovate, kaya't hinihingi namin ang inyong paunawa.

Gayunpaman, ang mga Annex building (Meeting room 6 at 7, recreation room), silid para sa tsa, at multi-purpose na palaruan ay maaaring gamitin. Gayundin, tulad ng dati, magsasara ang lahat ng pasilidad tuwing katapusan at simula ng taon."

Mangyaring suriin ang mga detalye sa aming website.
https://www.kian.or.jp/

Salamat sa inyong malawak na pag-unawa

Sa huling summer vacation ng junior high school marahil ay marami sa mga estudyante ang nag-aaral ng masinsinan para sa entrance exams para sa senior high school.
Sa taon na ito, ang Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki ay muling magsasagawa ng "Senior High School Orientation." Maaari kayong magtanong o magpakonsulta sa pagpasok sa mga pampublikong senior high school sa Kanagawa Prefecture. May mga interpreter din kaya't sana'y magpartisipa sa orientation. May libreng konsultasyon din mula sa isang lisensiyadong administrative scrivener. Libre ang pagsali sa orientation subalit kinakailangang mag-pareserba.

Petsa at Oras: Setyembre 18, 2023 (Lunes, Araw ng Kagitingan), 1:00 PM – 4:00 PM (Itatakda ng mga tagapag-organisa ang oras ng pagdalo)
Lugar: Hall ng Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki
Reserbasyon: Hanggang Setyembre 2, https://hsguide.me-net.or.jp/reservations/ Panlabas na Link
Target na pangmadla: Mga 3rd yr. junior high school na mag-aaral at mga magulang nila
Bilang ng mga taong makakasali: Hanggang 24 na pamilya na may limitadong kaalaman tungkol sa senior high school (Hanggang tatlong miyembro lamang bawat pamilya)
Nilalaman: Pagpapakilala ng mga paaralan ng mga senior high school, pangkalahatang konsultasyon, at iba pa.
Para sa mga katanungan: Mag-email sa koko@mcajp.com sa Japanese, English, o Romaji.

Sa araw-araw na mainit ang panahon, dapat natin iwasan na matamaan ng heat stroke.
Ang heat stroke ay isang malubhang sakit na maaaring magdulot ng panganib sa buhay. Simulan natin ang mga hakbang laban sa heat stroke sa lalong madaling panahon.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga mahahalagang paalala para sa pag-iwas sa heat stroke:
▪ Masinsinang uminom ng tubig kahit hindi masyadong nauuhaw.
▪ Siguraduhin na ang temperatura sa loob ng tahanan ay hindi hihigit sa 28℃ habang nagpapalit-palit ng hangin.

▪ Magsuot ng komportableng damit, gumamit ng payong o sombrero.
▪ Matulog ng sapat, kumain ng sapat at pangalagaan ang sariling kalusugan.
Ang mga "muscles" ng katawan natin ay tinatawag na "tangke ng tubig sa katawan", ito ay tumutulong sa pag-imbak ng tubig sa katawan. Ang mga kababaihan, bata, at mga matanda ay may kakaunting muscles lang kaya mas madali silang tamaan ng heat stroke. Kaya't mag-ingat at ating labanan ang matinding init ng tag-init.

Mayroong mga tablet sa mga munisipyo ng Lungsod ng Kawasaki na maaring gamitin sa video call para magpakonsulta sa One-Stop Center ng Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki.
Nagbibigay kami ng tulong sa labing-isang wika, Bukod sa pagsasalin ng mga proseso sa munisipyo kundi pati na rin sa iba pang mga konsultasyon sa pang-araw-araw na buhay at sinusuportahan ang 11 na mga wika.
Ang mga konsultasyon sa Ingles at Tsino ay Lunes hanggang Sabado, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon. Mangyaring suriin ang website para sa ibang mga wika at oras ng konsultasyon. Bukod dito, kahit sa mga araw na hindi kasama sa itinakdang oras para sa iyong nais na wika, maaari kang makipagkonsulta gamit ang mga kagamitan sa pagsasalin, kaya huwag mag-atubiling gamitin ito. https://www.kian.or.jp/kic/soudan.shtml
Numero para sa konsultasyon: 044-455-8811
Ang Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki

Gaganapin ang Internasyonal na Pista sa ika-9 ng Hulyo (Linggo) sa Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki!
Isasagawa rin namin ang pagpapakilala at pagranas ng mga tradisyonal na kultura ng Hapon, mga palabas at eksibisyon na pinangungunahan ng mga dayuhang mamamayan, mga lutuing internasyonal mula sa mga food truck, palaro para sa mga bata, flea market, at magkakaroon rin ng photo exhibit ng yumaong si Tetsu Nakamura, na isang miyembro ng Peshawar-kai.
Bilang isang bagong hakbang, kami ay nagplano rin ng "Oryentasyon tungkol sa kumportable at mapayapang pamumuhay" na pinangungunahan ng mga konsultant mula sa Foreigner Assistance Center ng One-Stop Center. Ipapakilala namin ang mga kapaki-pakinabang na impormasyon para sa pang-araw-araw na buhay, mga gabay ukol sa hakbang sa panahon ng sakuna, impormasyon tungkol sa buwis at pensyon, at tinatanggap din ang mga katanungan tungkol sa bisa (Hindi kailangan magpa-reserba).
Para sa karagdagang detalye, mangyaring bisitahin ang aming website.

Petsa: Hulyo 9, 2023 (Linggo), 10:00 AM - 4:30 PM
Lugar: Kawasaki City International Exchange Center
Website: https://kian.or.jp/evenko23/event/festival.shtml

Sa apat na taon na paghihintay gaganapin sa taon na ito ang Internasyol na Pista, kami ay nagpaplano ng "Oryentasyon tungkol sa kumportable at mapayapang pamumuhay" na programa na pinangungunahan ng mga konsultant mula sa Foreigner Window Consultation One-Stop Center.
Ipapakilala namin ang mga kapaki-pakinabang na impormasyon para sa pang-araw-araw na buhay, magbibigay ng gabay ukol sa paghahanda sa sakuna, buwis, pensyon, at pwede rin kayong magpakonsulta tungkol sa bisa. Hindi kailangan ang reserbasyon.
Sa festival, may iba't ibang aktibidad tulad ng pagpapakilala at pagranas sa tradisyonal na kultura ng Hapon, mga palabas at eksibisyon mula sa mga dayuhang residente, pandaigdigang pagkain mula sa mga food truck, mga palaro para sa mga bata, at flea market. Magkakaroon din ng photo exhibition ni Gng. Tetsu Nakamura ng Peshawar Association.
Para sa karagdagang detalye, mangyaring bisitahin ang aming website.
Petsa: Hulyo 9, 2023 (Linggo), 10:00 AM - 4:30 PM
Lugar: Kawasaki City International Exchange Center
Website: https://www.kian.or.jp/evenko23/event/festival.shtml
img-20230613101828.png


Ang"Satsukibare"ay tumutukoy sa magandang panahon ng tag-ulan. Ang "Satsuki"ay pangalan sa Hapon na tumutukoy sa buwan ng Mayo, at may bulaklak rin na ang pangalan ay Satsuki na siyang namumulaklak sa panahon ng tag-ulan.

Sa simula ng bagong piskal na taon, mas madalas ang pagkakataon na pumunta sa mga ahensya ng pamahalaan tulad ng munisipyo at district office. Kung nahihirapan kayo magnihonggo o nahihirapan kayo makipagusap, mayroong mga tablet sa mga opisina ng munisipyo na maaring makonekta dito sa center upang matulungan namin kayo itranslate at makipag-usap sa kawani ng munisipyo gamit ang video call. Tutulungan namin kayong itranslate ang inyong konbersasyon ng kawani ng munisipyo gamit ang video call.

Magkakaroon ng seminar para sa aplikasyon ng pampublikong pabahay sa taon na ito. Ang bahay ay isang mahalagang lugar sa buhay dahil dito nabubuo ang ating pamumuhay. Tutulungan namin kayo sa pagpili ng lugar na malapit sa paaralan o sa trabaho at tuturuan namin kayo kung papaano i-fill-up ang application form.

Petsa: Hunyo 10, 2023 (Sabado) 10:00-12:00
Lugar: Sentrong PAndaigdid ng Kawasaki, 2F- Group Activity Room B
Mga kailangan para sa aplikasyon: Proof of Income ng taong 2022 (Tulad ng withholding tax slip o income tax return)
Bilang ng kalahok: 20 ka-tao (para sa mga nakatira sa lungsod ng Kawasaki o nagtratrabaho ng isang taon pataas)
Reserba : Magpareserba sa pamamagitan ng telepono, email, o personal na pagpunta sa opisina hanggang Hunyo 8, 2023 (Huwebes) 4:30PM.
Kung kailangan ng interpreter, mangyaring ipaalam.
Para sa karagdagang katanungan: Tel. 044-435-7000 Email soudan39@kian.or.jp Sentro ng Pandaigdig ng Kawasaki

Tumungo at makisali sa seminar!

May salita na perpekto sa pagtutukoy sa season ngayon, ang salita na ito ay "saganang tagsibol".

"欄Ran" ay nangangahulugang "buong ningning, buong sigla, at buong kulay," habang ang "漫Man" ay nangangahulugang "nagbabadya, kumakalat sa buong lugar." Sa pamamagitan nito, lumalabas ang magandang imahe ng mga bulaklak na sumasabog sa pagdating ng tag-araw at ang kagandahan ng mga bagong-sibol na dahon.

Maraming tao ang marahil ay alam na ang International Exchange Center ay nag-umpisa na ang iba't ibang uri ng mga klase para sa bagong piskal na taon. Sa mga ito, ang " Japanese Lesson para sa mga banyaga" ay puwedeng sumali kahit na sa gitna ng kurso, at ang " International Understanding Course sa English (unang semester)" na nakatakdang sa Hunyo ay tumatanggap ng mga aplikasyon hanggang Mayo 15. Mangyaring magparehistro at sumali sa klase.

Para sa karagdagang impormasyon i-click ang link ng website sa ibaba.
https://www.kian.or.jp/evenko23/

Nagsimula ang bagong piskal na taon at nagsimula din ang bagong pasukan sa pamumulaklak ng cherry blossoms. Ang Sentro ng Pandaigdig ng Kawasaki ay magsasagawa muli ng mga seminar para sa mga dayuhang mamamayan sa taon na ito.
Ang unang seminar na gaganapin ay ang job hunting seminar.

"Job hunting seminar para sa mga dayuhan"
Petsa: Mayo 20, 2023 (Sabado) 10:00-12:00
Punto: Estudyanteng dayuhan, Pangkaraniwang mamamayan
na dayuhan
Guro : Gng. Fang Zhen Hua
Nilalaman: Daloy sa paghahanap ng trabaho, pangunahing kaalaman sa paghahanap ng trabaho, etiquette sa paghahanap ng trabaho, pagsasanay sa job interview at Q&A.
Para sa katanungan at aplikasyon: Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki
TEL 044-435-7000 E-mail soudan39@kian.or.jp

Kadalasan nagsisimula ang job hunting ng mga graduating na estudyente sa tagsibol o unang bahagi ng summer, kaya sa taon na ito ninagahan naming magsagawa ng seminar. Mangyaring sumali sa job hunting seminar para pagtulong sa amin na makahanap ng sa mas epektibong mahusay na mga trabaho.

“Sakura”

Ito ay isang kwento ng taunang cherry blossoms.
Ang mga cherry blossom sa taong ito ay nagsimulang mamukadkad nang mas maaga kaysa karaniwang panahon.
Sa Japan, mayroong humigit-kumulang 10 uri ng cherry blossoms, at kung idadagdag mo ang mga varieties, mayroong higit sa 100 na uri ng cherry blossoms na natural na lumalaki ng ligaw, at mayroong higit sa 200 uri ng horticultural varieties. Kaakit-akit din na tingnan ang iba't ibang pamumulaklak at kulay depende sa uri ng cherry blossoms.
Depende sa lugar at uri ng cherry blossoms, ilang mga cherry blossoms ay namumulaklak pa rin, kaya mangyaring tangkilikin ang mga ito.
Inirerekomenda namin ang Ikuta Ryokuchi sa Kawasaki City, narito ang link ng website ng Ikuta Ryokuchi sa Kawasaki City.
https://www.ikutaryokuti.jp/ Panlabas na Link