Kawasaki International Association

Home / Filipino top

Makipag-ugnay sa Amin


Mga Pangunahing Aktibidades

Pangangalap at Paghahanda ng Impormasyon at Reperensyang Aklat

Ang Asosasyon ay nagbibigay sa mga residenteng dayuhan sa Kawasaki ng mga balitang nauukol sa mga pangyayari sa loob at labas ng bansa. Mayroon ding libreng konsultasyon at pagbibigay-payo ukol sa pang araw-araw na suliranin sa buhay.

  1. Aklatan (Library)
    Ang Aklatan ng Asosasyon ay may iba’t-ibang uri ng babasahin gaya ng libro, magasin, at video tapes sa Hapon at ibang wika upang mapaglingkuran ang lahat.
  2. Libreng Konsultasyon para sa mga dayuhan
  3. Publikasyon (Limbagan)
    Ang Asosasyon ay naglilimbag ng sariling pahayagan at iba’t-ibang uri ng materyales ng kaalaman.

Pinapangalagaan ng Asosasyon ang pagkakawanggawa sa buong daigdig upang

pagtibayin ang samahan at patuloy na sumusuporta sa mga naninirahan upang gisingin ang damdamin ng bawat isa na magkaroon ng pandaigdigang pagmamalasakit.

  1. Pagpapadala at Pagtanggap ng Bisita
    Ang Asosasyon ay tumatanggap ng bisita mula sa ibayong dagat tulad ng grupong-pangkultura at grupong kabataan at pinapalawak ang pagkakaibigan sa pamamagitan ng pagpapadala ng grupo ng mamamayan sa mga kalapit-bansa at mga Siyudad na may matibay na relasyong pagkakaibigan.
  2. Pag-aaral at Seminar (pagsasanay)
    Ang Asosasyon ay sumusuporta ng mga simposyum, seminar tungkol sa usaping pandaigdigan at ang kasalukuyang ugnayan nito. May mga kurso ng Nihonggo, pag-aaral ng tradisyon at kultura para sa mga dayuhan.
  3. Ibentong Pandaigdigan
    Nakahanay sa listahan ng mga gawain ng Asosasyon ang pagpapakilala ng kulturang dayuhan, iba’t-ibang uri ng gawain at libangan para sa pagkaka-unawaan ng bawat bansa.

Pag-aaral at pagsasaliksik sa proyektong pakikipag-ugnayan pandaigdigan

Pagpapaunlad ng grupo ng suportang mamamayan at mga boluntaryo.

Pamamahala ng Asosasyong Pandaigdigan ng Kawasaki



Copyright (c) Kwasaki International Association. All rights reserved. 293874