Kawasaki International Association

Home / Filipino top

Makipag-ugnay sa Amin


Pigilan ang pag-init ng daigdig!

Pananaw tungkol sa Solar Power Station na sinimulan ng mga mamamayan

Ang Ohisama (“Mister Sun”) Solar Power Station na sinimulan ng mga mamamayan ay isang pasilidad na ikinabit sa Kawasaki International Center kung saan ito ay magsisilbing generator na pagmumulan ng kuryente. Ito ay proyektong “Citizen-initiated Power Station” na inumpisahan ng mga lokal na mamamayan laban sa pagpigil ng pag-init ng daigdig o global warming.

Ang pangunahing bahagi ng Citizen-initiated Ohisama Solar Power Station ay ang kakayahan ng mga mamamayan ng siyudad na kaya nilang suportahan ang pagpapagawa nito ng walang tulong mula sa gobyerno. Ang proyektong “Citizen-initiated Power Station Project” ay galing sa mga donasyong nagmula sa mga mamamayan at mga negosyante. Ang ibang pondo ay galing sa Green Electricity Fund (*1) at ang ibang halaga ay pinunuan sa pamamagitan ng pagpapahiram ng ap bank (*2) upang itatag ang establismentong ito.

Malaki ang paniniwala na ang Citizen-initiated Ohisama Power Plant ay isa ring epektibong simbolo upang itaguyod ang pagpapalaganap ng nababagong enerhiya sa Siyudad ng Kawasaki. Ipinapaabot din ang mensaheng ito sa karamihang indibidwal mula sa ibang bansa na makakakita sa pasilidad na ito ang katunayan kung paano ang determinasyon ng mga mamamayang lokal laban sa global warming.

Solar panel na ikinabit sa bubong ng KIAN Solar panel na ikinabit sa itaas ng promenade
(*1) Green Electricity Fund:
Ang Green Electricity Fund ay itinatag upang itaguyod ang pagpapalaganap ng nababagong enerhiya. Ang pondong nakalaan ay nagmumula sa mga nakolektang kontribusyon mula sa mga indibidwal at negosyanteng umaayon sa mga panuntunan ng pagpopondo. Kabilang dito ang donasyon mula sa Tokyo Electric Power upang bigyang halaga at suporta ang pagpapagawa ng mga pasilidades gaya ng solar power at wind power plants.
(*2) ap bank:
Ang ap bank ay itinatag ng prodyuser ng musika na si G.Takeshi Kobayashi, pinunong mang-aawit na si Kazutoshi Sakurai ng grupong Mr. Children at ng kompositor ng musikang si G. Ryuichi Sakamoto. Ang tatlong miyembrong ito ay bumuo ng organisasyong NPO sa pamamagitan ng pagkontribusyon ng pera mula sa kanikanilang pondo at ito ay ginagamit ng ap bank upang maging kolateral sa mga proyektong pang kapaligiran.

Detalye ng Pasilidad

Araw ng Pagkakapagkabit:
August 2008
Generated Solar Power (Total Output):
6.25kW
Detalye:
Kawasaki International Center Rooftop:
4.32kW (24 solar panels)
Promenade Upper-level:
1.93kW (14 solar panels)
Halaga ng pagpapagawa:
approx. 8,500,000 yen
Detalye:
Donasyon:
1,500,000 yen
Green Electricity Fund Grant:
7,000,000 yen


Copyright (c) Kwasaki International Association. All rights reserved. 286548