Kawasaki International Association

Home / Filipino top

Makipag-ugnay sa Amin


Pabahay

Pampublikong Pag-papabahay (shiei jyutaku)

Sino ang maaaring mag-aplay sa Pampublikong pag-papabahay :

  1. Walang matirahan
  2. Magkasama sa tirahan at nagbabalak mag-pakasal o nagbabalak tumira kasama ang mag-anak
  3. Kasalukuyang naninirahan at naghahanap-buhay sa Kawasaki ng may mahigit 1 taon
  4. Ang tinatanggap na sweldo ay kabilang sa nakatalagang limitasyon ng sahod.

Tumatanggap ng aplikasyon ng dalawang beses sa isang taon (spring and fall). Pinagbibigay-alam ang petsa ng pag-apply sa anunsyo ng pahayagang pambayan "Shisei Dayori" (ulat ng tagapangasiwa ng siyudad). Ilan sa mga ito ay tumatanggap ng kahit walang pamilya o asawa, mangyaring tumawag sa Kawanihan ng Tagapangasiwa ng Pabahay (Housing Management section) 044-244-7578 para sa iba pang detalye.

* Para sa impormasyon sa Pabahay ng Prepektura tumawag sa: Kanagawa Prefecture Housing Maintenance Section (Tel: 045-210-6557).

Suporta sa Pag-upa ng Pribadong pag-papabahay (chintai jyutaku)

Patakaran sa pag-upa ng Pribadong pabahay ang pagkakaroon ng guarantor bagama’t may programang Suporta sa Publiko para sa mga walang mahanapang guarantor.
Ang suportang ito ay magagamit ng aplikanteng nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:

  1. May kakayahang magbayad ng upa ng bahay at iba pang gastusin sa pagpapabahay.
  2. May kakayahang mabuhay ng sarili at hindi umaasa sa iba.
  3. Nakarehistro bilang isang dayuhang naninirahan dito sa Kawasaki at naghahanapbuhay o nag-aaral sa loob ng Siyudad ng may isang taon.

* Kinakailangang maging miyembro ng Housing Insurance sa loob ng 2 taon.
* Ang kabayaran ng suportang guarantor ay tatlumpu’t limang porsyento (35%) ng buwanang upa at maintenance fee sa loob ng dalawang taon.
* Ang Suportang ito ang Limitado sa mga piling Ahensya ng pag-papabahay sa Siyudad.

Para sa iba pang impormasyon, tumawag sa: Kawasaki International Association (Tel: 044-435-7000) or Housing Maintenance section (Tel: 044-200-2997).

* Ang Prepektura ng Kanagawa ay may Sentro ng Suportang Pabahay (Kanagawa Housing Support Center) Tel:045-228-1752. (Volunteer interpreters are available.)
* Kinakailangang ding maging miyembro ng Insyurans para sa mga ari-arian.



Copyright (c) Kwasaki International Association. All rights reserved. 293865