Sa Panahon ng Kagipitan / Emerhensiya
Pagtawag sa oras ng biglaang pagkakasakit at pagkakasugat
Makakatawag ng Ambulansya (walang bayad) sa pamamagitan ng pag-dayal ng numerong 119.
Siguraduhing maibigay ang mga sumusunod na impormasyon:
- “KYUU KYUU DESU” emergency po.
- “KYUUBYOU NIN / KEGA NIN GA IMASU.” may biglang nagkasakit / nasugatan.
- “KYUUBYOU NIN / KEGA NIN NO NAMAE WA..” sabihin ang pangalan ng maysakit.
- “JYUSHO TO DENWA BANGGO WA..” sabihin ang tirahan at numero ng telepono.
Pagtawag sa oras na nagkaroon ng Sunog
Makakatawag ng Bumbero (walang bayad)sa pamamagitan ng pag-dayal ng numerong 119.
Siguraduhing maibigay ang mga sumusunod na impormasyon:
- Pangalan
- Lugar (kung saan nagmula ang sunog).
Halimbawang hindi marunong mag-hapon,isigaw ang [KAJI DESU!] at tawagin ang kapitbahay para makatawag ng bumbero.
Pagtawag sa oras na may na-aksidente, nanakawan at nasakatan
Makakatawag ng Pulis o Patrol Car (walang bayad) sa pamamagitan ng pag-dayal ng 110.
Siguraduhing maibigay ang mga sumusunod na impormasyon:
- Pangalan
- Tirahan (Lugar kung saan naganap ang pangyayari)
- Ano ang naganap o paano ang daloy ng pangyayari
- Dorobo = magnanakaw
- Boko = pananakit
- Kotsu jiko = aksidente/banggaan
Explain the Situation
- There has been a robbery. = Dorobou desu.
- There has been a traffic accident. = Koutsu jiko desu.
- There is a fire. = Kaji desu.
- I / We need an ambulance. = Kyukyusha wo yonde kudasai.
Emergency 110 and 119 calls are taken on a 24-hour basis.
The calls are free of charge.