Kawasaki International Association

Home / Filipino top

Makipag-ugnay sa Amin


Paalala mula sa Siyudad ng Kawasaki tungkol sa mga remedyo sa Lindol

Kapag nagkaroon ng lindol, sundin ang mga sumusunod:

  1. Maging mahinahon at pumunta sa ligtas na lugar.
  2. Magtago sa ilalim ng mesa o pumunta sa lugar na walang bagay na malalaglag mula sa itaas.
  3. Buksan ang bintana at pintuan para may lalabasan.
  4. Kadalasan, may nasusugatan dahil sa pagbagsak ng kagamitan sa bahay, iwasan ang paglalagay ng mga gamit sa matataas na lugar at kung maaari lagyan ng proteksiyon na metal fittings ang mga aparador.
  5. Pagkatapos ng lindol, patayin kaagad ang apoy. Sa oras ng lindol, maraming nagiging biktima at namamatay ng dahil sa sunog.

Sa mga susunod pang aftershocks, importanteng mapag-usapan ng buong pamilya kung ano ang gagawin dahil sa oras ng malakas na lindol, hindi kaagad makaka-abot ang tulong galing sa gobyerno.

Sa Siyudad ng Kawasaki, may buklet na [Sonaeru, Kawasaki] sa Nihonggo na naglalaman ng impormasyon tungkol sa kalamidad na ipinamimigay ng bawat Kuyakusho (Pamahalaang tanggapan). Sa Home page ng Kawasaki City, matutunghayan ang Portal Site sa wika ng ibang bansa para sa kalamidad na pareho ng nilalaman ng buklet sa 6 (anim) na lengguwahe (Ingles, Intsik, Koryano, Portugis, Espanyol at Tagalog.

Maraming Salamat po.
Kawasaki City Disaster Prevention Information Portal



Copyright (c) Kwasaki International Association. All rights reserved. 293861