フィリピノ語の最近のブログ記事

"Ano kaya ang elementarya dito?"," Hindi ako marunong mag-Nihonggo, pumunta man ako sa school orientation ay hindi ko rin maiintindihan"
Petsa at oras: Sabado Enero 25, 2025, 1:30pm-4:00pm
Lugar: Hall ng Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki
Bayad: Libre (Maaring mag-request ng interpreter at childcare kapag maagang nagparehistro.)
Rehistrasyon at panayam: Tel: 044-455-8811 e-mail: soudan39@kian.or.jp

Para sa karagdagang detalye, mangyaring tingnan ang website o leaflet.
https://www.kian.or.jp/evenko24/event/admission-guidance.shtml

Naghahanap kami ng mga dayuhang residente na nais lumahok sa Japanese Speech Contest.

Deadline ng aplikasyon martes, Enero 14, 2025.
Petsa: Sabado, Febrero 8, 2025
Lugar: Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki
Kwalipikasyon: Para sa mga 16 taon gulang pataas, hindi Japanese ang kanilang katutubong wika, dumating sa Japan sa loob ng nakaraang 5 taon, at tumutugon sa alinman sa mga sumusunod na kondisyon:
•Mga international student na kasalukuyang nag-aaral sa senior high school, unibersidad, o vocational school sa loob ng lungsod ng Kawasaki.
•Mga taong nag-aaral ng Japanese sa mga civic center o iba pang mga pasilidad sa loob ng lungsod ng Kawasaki.
•Mga taong nagtatrabaho o nagsasanay sa mga kumpanya sa loob ng lungsod ng Kawasaki.
•Mga residente ng lungsod ng Kawasaki.

Para sa aplikasyon o karagdagang detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki.
Tel. 044-435-7000 https://www.kian.or.jp/kic/topics/speech24.shtml

"Ano kaya ang elementarya dito?"," Hindi ako marunong mag-Nihonggo, pumunta man ako sa school orientation ay hindi ko rin maiintindihan"
Petsa at oras: Sabado Enero 25, 2025, 1:30pm-4:00pm
Lugar: Hall ng Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki
Bayad: Libre (Maaring mag-request ng interpreter at childcare kapag maagang nagparehistro.)
Rehistrasyon at panayam: Tel: 044-455-8811 e-mail: soudan39@kian.or.jp

Para sa karagdagang detalye, mangyaring tingnan ang website o leaflet.
https://www.kian.or.jp/evenko24/event/admission-guidance.shtml

Paano magtapon ng basura? Ano kaya ang systema ng pensiyon at buwis? Ano kaya ang dapat gawin kapag may sunog o lindol? Paano kapag magkasakit? May mga katanungan ba kayo tungkol sa buhay sa Japan?
Gaganapin ang Ikalawang Orientation sa Pamumuhay sa Miyamae civic hall. Sa pagkakataong ito, ang mga tagapayo mula sa China at Thailand ay sasagot sa inyong mga katanungan sa kanilang mga katutubong wika at Ingles.

Petsa at Oras: Nobyembre 29 (Biyernes), 9:30 AM - 12:30 PM
Lugar: 2nd flr. lobby, Miyamae civic hall
Kabayaran: Libre
Hindi kailangan magpa-reserba, kaya't malugod kayong inaanyayahang dumaan!

Ang mga konsultant staff mula sa One-Stop Center ay magsasagawa ng "Daily life orientation". Sasagutin nila ang inyong mga katanungan o problema tungkol sa pang-araw-araw na buhay tulad ng:
Paano magtapon ng basura? Katanungan tungkol sa pensyon at buwis? Ano ang dapat gawin kapag may sunog o lindol? Paano kapag nagkasakit?
At iba pang mga katanungan tungkol sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Unang Pagdaraos: Sa panahon ng International Festival
Petsa at Oras: Nobyembre 17, 2024 (Linggo) 10:00am-4:00pm
Lugar : 1st flr lobby ng Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki

Ikalawang Pagdaraos: Sa Miyamae Civic Hall
Petsa at Oras: Nobyembre 29, 2024 (Biyernes) 9:30am-12:30pm
Lugar : 2nd flr lobby ng Miyamae Civic Hall

Hindi kailangan magpa-reserba pwede ang walk-in, kaya't malugod kayong inaanyayahan na pumunta at makilahok!

Ang taunang "International Festival" ay gaganapin ngayong taon sa panahon ng malamig na taglagas. Magkakaroon ng "Life Orientation" na siyang nag-aalok ng konsultasyon at magbibigay ng impormasyon para sa mga dayuhan, mag-eexhibit ng produkto mula sa iba't ibang bahagi ng mundo, mga food truck na nagbebenta ng pagkain mula sa iba't ibang bahagi ng mundo at may pagtatanghal sa entablado para sa musika at sayaw na masayang kaganapan na nagbibigay-daan upang maranasan ang kultura ng iba't ibang bansa at rehiyon.

Petsa: Nobyembre 17, 2024 (Linggo) mula 10:00am hanggang 4:00pm
Lugar: Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki
Website: https://www.kian.or.jp/evenko24/event/festival.shtml

Sa kasalukuyan, nangangailangan ng mga volunteer staff para sa event. Sumali na at makipag-ugnayan sa iba't ibang mga volunteer na hapon at iba't ibang mga nasyonalidad.
Japanese:
https:https://www.kian.or.jp/topics/volunteer-24festival.shtml
English
https:https://www.kian.or.jp/len/topics/volunteer-24festival.shtml

Tulad ng matagal nang kasabihan."Sa panahon ng taglagas ay mabilis na lumulubog ang araw at mabilis na dumidilim ang ulap". Sa panahong ito, mabilis dumarating ang takipsilim.
Kung pag-uusapan ang pag-eenjoy sa malamig na gabi ng taglagas habang nakikinig sa tunog ng mga insekto, tiyak ito ay ang pagbabasa. Alam ba ninyo na mayroong silid-aklatan at silid ng materyales sa ikalawang palapag ng Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki? Mayroon itong humigit-kumulang 18,000 na aklat na nakasulat sa iba't ibang wika, pati na rin ang mga pahayagan at magasin. Mangyaring gamitin ito. Narito ang link ng website sa silid-aklatan at materyales: https://www.kian.or.jp/kic/003.shtml

Nagsimula na ang ikalawang semestre ng kurso ng Nihonggo lesson sa Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki. Maaaring sumali kahit na sa kalagitnaan ng semestre, kung interesado sumali makipag-ugnayan sa amin. Para sa karagdagang impormasyon, i-click ang link na ito: https://www.kian.or.jp/kic/004.shtml
Sa Oktubre 5 (Sabado) bandang 6 ng gabi, magkakaroon ng fireworks sa kabila ng ilog ng Tama. Sana'y mag-enjoy sa firewoks at sa malamig ng simoy ng hangin sa panahon ng taglagas. Para sa karagdagang detalye: https://www.tamagawa-hanabi.com/

Sa Japan, may kasabihang "Atsusa samusa mo higan made" ito ay nangangahulugang ang init ng tag-init ay humuhupa at ang lamig ng taglamig ay nagiging banayad sa panahon ng higan. Noong unang panahon, may kaugalian na mag-alay ng matamis na pagkain na tinatawag na "Ohagi" sa mga ninuno sa panahon ng higan ng taglagas, at bumibisita sa sementeryo para ipagdasal ang yumaong ninuno. Ang matamis na "Ohagi" na ito ay tinatawag na "Botamochi" sa panahon ng higan ng tagsibol. Ang paggamit ng parehong matamis na pagkain ngunit magkaiba ang pangalan ayon sa season ay maaaring sumasalamin sa malalim na paggalang ng kulturang Hapon sa pagbabago ng panahon at ng kalikasan. Ang higan ay tumatagal ng pitong araw na nakasentro sa equinox ng tagsibol at taglagas, ngayong taon magsisimula ang higan ng taglagas mula Setyembre 19. Tila ba inaabangan na natin ang malamig na panahon ng taglagas.
Ngayong taglagas, magdaraos ang Sentro ng Pandaigdig ng Kawasaki ng "Klase ng pandaigdigang pag-unawa sa Ingles." Sa Oktubre, ang klase ay magkakaroon ng tatlong sesyon kung saan ang mga native speaker ay magbabahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa global na kultura at karanasan sa Ingles. Ang deadline sa pagparehistro ay Setyembre 19, kaya't magparehistro na agad.
Magparehistro dito ➤ https://kian.or.jp/ke/

Magkakaroon ng gabay para sa mga banyagang mamamayan ukol sa pagpasok sa senior high school. Kasama sa event ang pagpapaliwanag at konsultasyon tungkol sa pagpasok sa public senior high school, at isang libreng konsultasyon mula sa isang administrative scrivener. Walang bayad ang pagsali ngunit kinakailangang magparehistro nang maaga. Mayroon ding translator, kaya ipagbigay-alam ang inyong nais na wika.

Petsa at Oras :
Setyembre 16, 2024 (Lunes, National holiday) mula 1:00 PM hanggang 4:00 PM
Lugar :
Hall ng Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki
Pagrehistro :
Magparehistro bago ng Setyembre 2 sa https://hsguide.me-net.or.jp/reservations Panlabas na Link
Target na kalahok :
Mga mag-aaral sa ikatlong taon ng junior high school at kanilang mga magulang (Mga taong nahihirapan kumuha ng impormasyon tungkol sa pagpasok sa senior high school dahil sa wika o iba pang dahilan)
Limitasyon :
24 na sambahayan (Hanggang 3 tao kada sambahayan ang maaaring dumalo)
Nilalaman :
Pagpapakilala sa mga paaralan ng senior high school, konsultasyon tungkol sa pagpasok, at pangkalahatang konsultasyon tungkol sa pag-aaral

Ipapadala ng tagapangasiwa ang oras ng pagdating sa pamamagitan ng email address na inyong inirehistro. Para sa karagdagang detalye, mangyaring bisitahin ang https://hsguide.me-net.or.jp/ Panlabas na Link at siguraduhing makadalo.

Patuloy araw-araw ang mapaka-init na panahon. Sa tag-init ngayong taon ay patuloy ang rekord na matinding init, at ang bilang ng mga nadala ng ambulansya sa ospital dahil sa heatstroke ay umabot ng higit sa 1,000 kada araw. Ang heatstroke at dehydration ay maaaring lumala nang hindi mo mamalayan, kaya't kailangan ng pag-iingat.

Sa website ng Lungsod ng Kawasaki, inirerekomenda ang tatlong pangunahing hakbang para sa pag-iwas sa heatstroke: Iwasan ang matinding init, uminom ng madalas kahit hindi nauuhaw, at i-check ang temperature at humidity ng iyong kwarto. May mga link, leaflet at iba pang mga artikulo tungkol sa pag-iwas sa heatstroke, kaya't gamitin ito bilang reperensya para sa malusog at masaryang tag-init.
https://www.city.kawasaki.jp/300/page/0000118090.html Panlabas na Link

"Fireworks"

Ang fireworks na simbolo ng tag-init ay may mahabang kasaysayan sa Hapon na umaabot nang halos 400 na taon ng nakalilipas. Noong 17 taon ng Taisho, taong 1589 ng western calendar, may natala si Date Masamune, isang samurai mula sa panahon ng Sengoku, ay nagpasyang nagmasid ng fireworks sa Yonezawa Castle.
Sa panahon ng Edo, may natala na si Tokugawa Ieyasu ay namasid din ng fireworks. Noong 18 taon ng Kyooho, taong 1733 ng western calendar, idinadaing na maraming namatay dahil sa gutum at sakit, kaya ginanap ang Mizukami Matsuri sa Sumida River, kung saan nagsimula ang tradisyon ng fireworks bilang pagpugay sa mga yumao at pag-taboy sa mga masasamang sakit.
Ang pagmasid ng fireworks habang ramdam ang mahangin na gabi ng tag-init ay naging bahagi na ng kulturang pang-burgis sa Edo, at hanggang sa kasalukuyan ngayon, ito ay ini-enjoy ng maraming tao. Mangyaring hanapin ang impormasyon ukol sa mga pambansang kompetisyon ng fireworks tulad ng "Hanabi Taikai 2024", kaya't mangyaring mag-enjoy at maranasan ito.

Sa panahon ng paglipat mula tag-ulan patungo sa tag-init, nagiging mas madalas ang pag-aalala tungkol sa malalakas na pag-ulan at mga bagyo. Mahalagang makakuha ng tamang impormasyon kapag may nagaganap na kalamidad, kaya't nais naming ipaalam sa inyo ang multi-language support website na matatagpuan sa website ng Lungsod ng Kawasaki.
■ Lungsod ng Kawasaki "Disaster Prevention Portal Site" - Naglalaman ng impormasyon tungkol sa pag-iwas ng kalamidad sa lungsod ng Kawasaki at sa mga karatig na lugar. Makikita rin dito ang link ng web version ng "SONAERU KAWASAKI 備えるかわさき". 
https://portal.kikikanri.city.kawasaki.jp/.shtml
img-20240705123756.png
Sa bansang tulad ng Japan na madalas makaranas ng mga natural na kalamidad, mayroon kasabihan na " Kung handa ka, wala kang dapat ikabahala 備えあれば憂いなし" na nagsasaad ng kahalagahan ng pagiging laging handa. Mabuting alamin ang mga impormasyon tungkol sa pag-iwas sa kalamidad sa araw-araw.

“Tag-ulan”

Sa Japan, mayroong tinatawag na “tsuyu”, ito ay panahon ng tag-ulan. Ang “tsuyu”, na dahan-dahang umaakyat mula sa timog patungong hilaga ng mahabang kapuluan ng Japan ay bahagyang nag-iiba depende sa rehiyon. Sa rehiyon ng Kanto, tumatagal ito ng mga isang buwan mula Hunyo hanggang Hulyo.
Sa panahong ito, ang mga asul, lila, rosas, at puting hortensia na nababasa sa ulan ay nagbibigay ng kulay sa umuulan na ulap. Sana ay maenjoy ninyo ang panahong ito bago sumapit ang panahon ng tag-init.

img-20240605103148.pngMagkakaroon ng seminar tungkol sa aplikasyon ng pampublikong pabahay sa Sentro ng Pandaigdig ng Kawasaki sa Hunyo 15, (Sabado).
Magbibigay kami ng indibidwal na suporta sa pagpili ng lugar at bahay na malapit sa paaralan o trabaho, pati na rin sa pag-fill up ng aplikasyon.
Petsa: Hunyo 15, 2024 (Sabado) 10:00am - 12:00pm
Lugar: 1st floor Reception room ng Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki
Mga kinakailangan para sa aplikasyon: Katibayan ng kita noong 2023 (Gaya ng withholding tax slip o income tax return)
Bilang ng mga kalahok: 20 katao (Mga naninirahan sa Lungsod ng Kawasaki o nagtatrabaho nang hindi bababa ng 1 taon)
Paraan ng pagrehistro: Mangyaring magparehistro sa pamamagitan ng telepono, email, o personal na pagtungo sa Sentro ng Pandaigdig hanggang Hunyo 13 (Huwebes).   
 *Para sa mga nangangailangan ng interpreter, mangyaring ipaalam sa amin.
Para sa karagdangang katanungan: Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki Telepono: 044-435-7000 E-mail: soudan39@kian.or.jp