Ang Marso 3 ay ang Hina Matsuri (Girl's Festival) o Peach Festival.

Ang "Hina Matsuri" ay nagsimula noong ika-8 na siglo sa panahon ng Heian period at ipinagdiriwang ito tuwing Marso 3 at kilala rin ito bilang "Momo no Sekku," isang okasyon na nagnanais sa malusog na paglaki ng mga batang babae. Ang peach ay matagal nang itinuturing na may kakayahang magtaboy ng masamang spiritu at ito rin ay isang bulaklak na namumukadkad sa panahong ito.
Sa Hina Matsuri (Doll's day), naglalagay ng mga Hina ningyo, mga manika na nakasuot ng mga kasuotan ng mga maharlikang tao mula sa panahon ng Heian period, pati na rin ang mga bulaklak na peach. Nag-aalay din ng mga Hina arare (rice crackers para sa Girls' Day ), Hishimochi (diamond-shaped rice cake), sake at chirashi sushi, kaya i-enjoy ang mga ito. Malapit na ang tagsibol!