Batay sa kita na natanggap mula Enero 1, 2024 hanggang Disyembre 31, 2024, icocompute ang halaga ng buwis at mag-fifile ng final income tax return.
Ang may mga sariling Negosyo o self-employed, magsasaka, o may mga side job ay kailangang magsagawa ng final income tax return, ngunit ang mga manggagawa na tumatanggap ng sahod ay karaniwang hindi kailangan mag-deklara nito.
Gayunpaman, kung ikaw ay kabilang sa mga sumusunod na kondisyon, kinakailangan mong magsagawa ng final income tax return.
- Sa mga kumita ng higit sa 20 milyong yen sa 1 taon.
- Nakatanggap ng sweldo sa dalawa o higit pa na kompanya.
- Sa mga nagbayad ng Furusato nozei (Kung hindi pa nagrehistro sa one-stop system).
- Sa mga tumanggap ng mortgage deduction sa unang taon, medical expenses deduction atbp.
Para sa karagdangang impormasyon i-click ang website sa ibaba.
◆ Mga impormasyon ay makukuha sa Ingles sa website ng National Tax Agency
https://www.nta.go.jp/english/taxes/individual/12011.htm
◆ Manual ng Final Income Tax Return para sa mga dayuhan
https://www.nta.go.jp/taxes/shiraberu/shinkoku/tebiki/2023/foreigner/index.htm
May paliwanag sa English, Chinese, Vietnamese, Portuguese at Nepali.