"Pagpapakilala ng pista ng taglagas at klase ng pandaigdigang pag-unawa"

Sa Japan, may kasabihang "Atsusa samusa mo higan made" ito ay nangangahulugang ang init ng tag-init ay humuhupa at ang lamig ng taglamig ay nagiging banayad sa panahon ng higan. Noong unang panahon, may kaugalian na mag-alay ng matamis na pagkain na tinatawag na "Ohagi" sa mga ninuno sa panahon ng higan ng taglagas, at bumibisita sa sementeryo para ipagdasal ang yumaong ninuno. Ang matamis na "Ohagi" na ito ay tinatawag na "Botamochi" sa panahon ng higan ng tagsibol. Ang paggamit ng parehong matamis na pagkain ngunit magkaiba ang pangalan ayon sa season ay maaaring sumasalamin sa malalim na paggalang ng kulturang Hapon sa pagbabago ng panahon at ng kalikasan. Ang higan ay tumatagal ng pitong araw na nakasentro sa equinox ng tagsibol at taglagas, ngayong taon magsisimula ang higan ng taglagas mula Setyembre 19. Tila ba inaabangan na natin ang malamig na panahon ng taglagas.
Ngayong taglagas, magdaraos ang Sentro ng Pandaigdig ng Kawasaki ng "Klase ng pandaigdigang pag-unawa sa Ingles." Sa Oktubre, ang klase ay magkakaroon ng tatlong sesyon kung saan ang mga native speaker ay magbabahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa global na kultura at karanasan sa Ingles. Ang deadline sa pagparehistro ay Setyembre 19, kaya't magparehistro na agad.
Magparehistro dito ➤ https://kian.or.jp/ke/

counter