Sa panahon ng paglipat mula tag-ulan patungo sa tag-init, nagiging mas madalas ang pag-aalala tungkol sa malalakas na pag-ulan at mga bagyo. Mahalagang makakuha ng tamang impormasyon kapag may nagaganap na kalamidad, kaya't nais naming ipaalam sa inyo ang multi-language support website na matatagpuan sa website ng Lungsod ng Kawasaki.
■ Lungsod ng Kawasaki "Disaster Prevention Portal Site" - Naglalaman ng impormasyon tungkol sa pag-iwas ng kalamidad sa lungsod ng Kawasaki at sa mga karatig na lugar. Makikita rin dito ang link ng web version ng "SONAERU KAWASAKI 備えるかわさき".
https://portal.kikikanri.city.kawasaki.jp/.shtml
Sa bansang tulad ng Japan na madalas makaranas ng mga natural na kalamidad, mayroon kasabihan na " Kung handa ka, wala kang dapat ikabahala 備えあれば憂いなし" na nagsasaad ng kahalagahan ng pagiging laging handa. Mabuting alamin ang mga impormasyon tungkol sa pag-iwas sa kalamidad sa araw-araw.