“Tag-ulan”

Sa Japan, mayroong tinatawag na “tsuyu”, ito ay panahon ng tag-ulan. Ang “tsuyu”, na dahan-dahang umaakyat mula sa timog patungong hilaga ng mahabang kapuluan ng Japan ay bahagyang nag-iiba depende sa rehiyon. Sa rehiyon ng Kanto, tumatagal ito ng mga isang buwan mula Hunyo hanggang Hulyo.
Sa panahong ito, ang mga asul, lila, rosas, at puting hortensia na nababasa sa ulan ay nagbibigay ng kulay sa umuulan na ulap. Sana ay maenjoy ninyo ang panahong ito bago sumapit ang panahon ng tag-init.