Sa Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki, magkakaroon ng "Disaster Preparedness Training kasama ang mga dayuhang mamamayan" bilang paghanda sa lindol at sunog.
Petsa : Febrero 29, 2024 10:15am-11:50am (Magsisimula ang rehistrasyon ng 10:00am)
Nilalaman :
▪ Pagtesting ng pagreport (Tsuhou kunren)
▪ Pagtesting ng AED (Taiken)
▪ Pagtesting ng Fire Extinguisher (Mizu syoukaki taiken)
▪ Pagtesting ng Earthquake simulation vehicle (Kishinsya taiken)
▪ Pagtesting ng usok (Kemuri taiken)
▪ Pagtesting sa mainit na pagkain na hinahanda sa mga biktima ng kalamidad (Takidashi)
▪ Pagdisplay ng Disaster Preparedness Goods (Tenji)
Link ng website: https://www.kian.or.jp/topics/bousai2402.shtml
Hindi kailangan ng reserbasyon, mangyaring pumunta sa 1st floor reception ng Kawasaki City International Exchange Center sa araw ng kaganapan.
Ipapaliwanag sa madaling Nihonggo kaya huwag mag-alala kung hindi marunong mag-Nihonggo!
Maghahanda kami ng rice balls o onigiri at mainit na miso soup.
Ang unang 50 sasali ay makakatanggap ng mga Disaster Preparedness Goods, kaya't huwag mag-atubiling sumali.