"Setsubun Ryushun at Noto Peninsula Earthquake Disaster Relief Fund"

Sa Japan, mayroong tinatawag na "Koyomi" o kalendaryo na ginagamit noong unang panahon pa, makikita din dito ang pagbabago ng panahon at pagbabago din ng klima. Ang ika-4 ng Pebrero ay tinatawag sa kalendaryo na "Ryushun", ang ibig sabihin nito ay pagsimula ng tagsibol. Upang masayang salubungin ang tagsibol, may tradisyon sa ika-3 ng Pebrero na tinatawag na "setsubun", sa araw ng setsubun ay binubudbod ang mga butil ng soybeans ng masigla at malakas sa labas ng bahay upang palayasin ang Oni (simbolo ng masamang kahulugan o demonyo).
Bagamat sa pagsalubong ng bagong taon ay nagsimula ng mga pangyayaring nakakagulat at nakakalungkot tulad ng lindol sa Noto Peninsula at aksidente ng eroplano. Sa pamamagitan ng ritwal ng pagtapon ng mga butil ng soybeans sa setsubun, maari natin mapalayas ang mga masasamang espiritu at maabot ang kasaganaan sa tagsibol.

Ang Japan Red Cross Society ay nagsasagawa ng pagtanggap ng donasyon para sa "2024 Noto Peninsula Earthquake Disaster Relief Fund". https://www.jrc.or.jp/contribute/help/20240104/

Ang Japan Red Cross Society Kawasaki District Headquarters sa Lungsod ng Kawasaki ay tumatanggap din ng donasyon.
https://www.city.kawasaki.jp/350/page/0000157376.html

🌸Paalala🌸
Sa ika-27 ng Enero (Sabado) mula 1:30pm magkakaroon ng " Orientation para sa pagpasok sa elementarya ng mga batang may kaugnayan sa ibang bansa."
Libre ang pagparehistro. Mangyaring tumawag sa tel. no. 044-435-7000 o mag-email sa soudan39@kian.or.jp.
https://www.kian.or.jp/evenko23/event/admission-guidance.html
img-20240123100700.png

counter