Ang Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki ay nag-aanyaya sa mga dayuhang mamamayan dito sa lungsod na nais sumali sa taunang Nihonggo speech contest.
Panahon ng aplikasyon: Disyembre 1, 2023 (Biyernes) hanggang Enero 15, 2024 (Lunes)
Petsa ng contest: Pebrero 10, 2024 (Sabado) mula 1:00pm hanggang 3:30pm
(Sakali masama ang panahon, ito ay isasagawa sa Marso 2. Kung masama pa rin ang panahon sa Marso 2, ito ay kanselado.)
Lugar: Hall ng Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki
Paalaala: Hindi magkakaroon ng pagtitipon pagkatapos ng speech contest ngayong taon.
Kwalipikasyon sa pagsali: Dapat mapabilang sa isa sa mga sumusunod.16 taon gulang pataas, hindi pangunahing wika ang Hapon, at sa loob ng limang taon ang pagdating sa Japan.
① Dayuhan na nag-aaral sa high school, kolehiyo, o vocational school sa lungsod ng Kawasaki.
② Nag-aaral ng Nihonggo sa mga community center sa lungosd ng Kawasaki.
③ Nagtatrabaho o nagsasanay sa isang kumpanya sa lungosd ng Kawasaki.
Tandaan: Kinakailangan ng rekomendasyon mula sa principal ng paaralan para sa no.1 at no.2, at mula sa pinuno ng departamento sa kumpanyang pinagtratrabahuan para sa no.3.
Porma ng Speech: Ang speech ay hindi dapat lalampas ng limang minuto.
Bilang parangal sa pinakamahusay na tagatalumpati, may premyo na voucher katumbas ng tatlongpung libong yen.
Para sa iba pang mga katanungan tungkol sa aplikasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki.
Tel. 044-435-7000 https://www.kian.or.jp/kic/topics/speech23.shtml
Inaasahan namin ang inyong paglahok.