Sa araw-araw na mainit ang panahon, dapat natin iwasan na matamaan ng heat stroke.
Ang heat stroke ay isang malubhang sakit na maaaring magdulot ng panganib sa buhay. Simulan natin ang mga hakbang laban sa heat stroke sa lalong madaling panahon.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga mahahalagang paalala para sa pag-iwas sa heat stroke:
▪ Masinsinang uminom ng tubig kahit hindi masyadong nauuhaw.
▪ Siguraduhin na ang temperatura sa loob ng tahanan ay hindi hihigit sa 28℃ habang nagpapalit-palit ng hangin.
▪ Magsuot ng komportableng damit, gumamit ng payong o sombrero.
▪ Matulog ng sapat, kumain ng sapat at pangalagaan ang sariling kalusugan.
Ang mga "muscles" ng katawan natin ay tinatawag na "tangke ng tubig sa katawan", ito ay tumutulong sa pag-imbak ng tubig sa katawan. Ang mga kababaihan, bata, at mga matanda ay may kakaunting muscles lang kaya mas madali silang tamaan ng heat stroke. Kaya't mag-ingat at ating labanan ang matinding init ng tag-init.