"Hinamatsuri (Girl's Festival)"

Ang araw ng Hinamatsuri na siyang ipinagdiriwang sa Marso 3 ay kilala rin bilang Peach Festival at ipinagdadasal na sana malusog ang paglaki ng mga batang babae.
Mayroong iba't ibang mga teorya, ngunit mula noong sinaunang panahon, ang kaganapang ito ay nagsimula sa kaugalian ng pagbigay ng mga handog at pagpapaalis ng mga espiritung demonyo sa mga araw na may mga kakaibang bilang katulad ng 1,3,5,7, at 9 na mga odd numbers. Ang Marso 3 na isang Girl's Festival, ang Mayo 5 na Boy's Festival at ang Hulyo 7 na Star Festival ay ang naging taunang kaganapan.
Ang Japanese Hina Doll ay nagsimula bilang isang larong manika ng mga batang maharlika sa hukuman na marangal at pagkatapos na naipasa sa mga batang anak ng mga samurai at naipasa sa mga ordinaryong mamayan at naipasa hanggang ngayon.
Ang puno ng peach ay itinuturing na isang mapalad na halaman na nag-iiwas ng mga sakit at kasawian. Ito ay tinawag na "Peach Festival" bilang isang kaganapan sa tagsibol kapag namumulaklak na ang peach blossoms.
Excited na ako sa pagdating ng tagsibol.

counter