Naghahanap kami ng lalahok para sa "Oryentasyon ng pagpasok sa elementarya para sa mga batang may koneksyon sa mga banyagang bansa."
"Ano kaya ang elementarya dito sa Japan? Hindi ako nakakaintindi ng Japanese, pumunta man ako sa school oryentasyon ng anak ko ay hindi ko rin maintindihan." Sasagutin namin ang inyong mga alalahanin at katanungan tungkol sa pagpasok sa elementarya.
Habang nakikinig sa kwento ng isang dating punong-guro tungkol sa paaralan ng elementarya sa Japan, may video at guidebook (multilingual at may furigana) din na mapapanood at mababasa. Ipapaliwanag namin ang sistema ng paaralan at kung ano ang dapat ihanda bago pumasok sa paaralan.
Petsa : Enero 28, 2023 (Sabado) 1:30pm hanggang 4:00pm
Lugar : Sa hall ng Kawasaki International Center
Bayad : Libre (Magpareserba kung kailangan ng interpreter o babysitter)
Makikita sa website at sa flyer ang mga karagdagang inpormasyon.
https://www.kian.or.jp/evenko22/event/admission-guidance.shtml