“Suporta para sa mga Ukrainian refugees”

Habang papalapit na ang taglamig, malubha pa rin ang sitwasyon habang sinasalakay ng hukbo ng Russia ang Ukraine, ngunit ang One Stop Center ay tumatanggap ng mga katanungan tungkol sa kung paano susuportahan o paano magabuloy sa mga Ukrainian refugees. Kaya, aming ipapaliwanag kung paano magbibigay ng tulong.

Nakikipagtulungan ang Kawasaki International Association sa Kanagawa Prefecture UNICEF Association para magsagawa ng emergency fund-raising campaign para sa Ukrainian refugees.

May donation box sa reception desk ng Kawasaki International Association, kaya mangyaring pumunta o mag-donate ng direkta mula sa website ng UNICEF Association Ukraine Emergency Donation (https://unicef-kanagawa.jp/topics/522/ Panlabas na Link)

Bilang karagdagan, ang Kawasaki International Association ay nagbibigay ng mga serbisyong konsultasyon para sa mga Ukrainian refugee na nangangailangan ng tulong.

Lunes hanggang Sabado alas 9 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
Telepono : 044-455-8811
Email : soudan39@kian.or.jp
Zoom consultation : https://kian.or.jp/kic/soudan.shtml (Kailangan magpareserba)

Sinusuportahang wika: Ang wikang Ukrainian ay sinusuportahan ng isang tagapayo gamit ang isang tagasalin. Para sa iba pang mga wika, mangyaring tingnan ang website sa ibaba.

https://www.kian.or.jp/kic/soudan.shtml

Dalangin namin na bumalik ang kapayapaan sa Ukraine sa lalong madaling panahon.

counter