【Fireworks/Paputok】

Ang fireworks ay isang tradisyon sa panahon ng tag-init, ang kasaysayan ng fireworks sa bansang Hapon ay 430 taong nakalipas na, ito ay sa kapanahunan pa ng Sengoku period.

Sa panahon ng Edo period ay naitala na si Shogun Ieyasu Tokugawa ay nakapanood din ng fireworks, pagkatapos noon ay sinuportahan ng mga taong-bayan ng Edo kaya nagtuloy-tuloy ang kasikatan nito.

Ang fireworks ay napakarilag tingnan, subalit sa kagandahan nito ang kahulugan sa bansang Hapon ay pagpapahinga ng mga patay na kaluluwa. Tila may koneksyon din sa sinaunang kaugalian dahil ang Obon (Araw ng mga patay) ay isang tradisyon ng mga Hapones na pagbibigay-galang sa mga ninuno at mga mahal sa buhay na namayapa na.

Ang Tamagawa fireworks festival ay isang makasaysayang fireworks festival na nagsimula noong 1929 upang ipagdiriwang ang pagpapatupad ng systema ng Lungsod ng Kawasaki, ngunit ngayong taon ng tag-init ay nakansela nanaman ito dahil sa pagkalat ng covid-19. Abangan natin na sana matuloy ito sa susunod na taon.

Para sa karagdagang kaalaman tingan ang website ng Lungsod ng Kawasaki.
https://www.city.kawasaki.jp/280/page/0000117559.html?furigana=on


counter