[Tungkol sa Pagbabakunang kahit walang reserbasyon]

Nasa kalagitnaan na ng taglagas at masasabing malamig na ang panahon. Maayos ba ang pakiramdam nyo?Laging iingatan ang sarili na huwag magkasakit.
Marami na ang natapos magpabakuna ng 2 beses(anti-corona virus) sa Japan. (66.18% nitong Oktubre 17). Dito sa Kawasaki ay may planong babawasan ang libreng sistema ng pagbabakuna mula Nobyembre. Sa mga nais magpabakuna,gawin na sa lalong madaling panahon.
Dito sa Kawasaki ay ginagawa na ang pagpabakuna kahit walang reserbasyon mula ng ika-12~ika 31 ng Oktubre.

«Impormasyon sa pang 1beses na pagbabakuna ng walang reserbasyon»
*Dalhin lamang ang ipinadalang tiket para sa pagbabakuna at ID na mapagkakakilanlan sa iyo.
(tandaan,hindi ka babakunahan kung ito ay makakalimutan)*

  1. Lugar: Malakihang inoculation venue (NEC Tamagawa Lunesan City hall)
    Panahon: Oktubre 12–31 (6 na beses sa 1 linggo, mula Martes–Linggo)
    Oras: 12:30–18:30
    Pangalan ng bakuna: Moderna co. (4 na linggo ang pagitan sa ika-2 beses ng bakuna)
  2. Lugar: Nambu Inoculation Venue ( Kawasaki City Hall no.4 /Dai-4 Chosya)
    Panahon:Oktubre 13–31 (mula Miyerkoles–Linggo, 5 beses sa 1 linggo, sarado pag Lunes)
    Oras: 13:30–18:30
    Pangalan ng bakuna: Pfizer co. (3 linggo ang pagitan sa ika-2 beses ng bakuna)

Tingnan sa Website ng City hall,para sa malinaw na impormasyon.
https://www.city.kawasaki.jp/350/cmsfiles/contents/0000126/126099/yoyaku.pdf

O kaya ay tumawag sa telepono 0120-654-478
(8:30-18:00 may tanggapan kahit Sabado, Linggo,o bakasyon)
Magpatuloy tayong magpabakuna para sa mga immunization na kailangan natin.