【Anunsyo! Patnubay para sa Pagpasok sa Mataas na Paaralan/koukou, ng taong 2022】

Tinatawag na [Taglagas ng Pagbabasa] ang nakakasiglang klima at panahon,at progreso sa
pag-aaral at pagbabasa.Anim(6)na buwan na lang ang natitira bilang buhay-junior high school,kaya naman heto na ang pagkakataon na pag-iisipan ng mag-ina/mag-ama ang tungkol sa pagpasok sa susunod na antas.Halina`t dumalo para alamin kung paano.

Dito sa Asosasyong Pandaigdig ng Kawasaki ay gaganapin uli ngayong taon ang [Patnubay sa Pagpasok sa Mataas na Paaralan/Koukou].Ito ay isang pagpapaliwanag at pa-konsulta sa kung paano makapasok sa Publikong Paaralan sa Prepektura ng Kanagawa.Mayroon mga tagasaling-wika.Mayroon ding mesa ng libreng pagkonsulta sa Gyoseishoshi(tungkol sa visa).
Libre ang pagsali subalit kailangan ng reserbasyon.Mangyaring magpaserba muna.
[kailan?] Nobyembre 20,2021 (Sabado) pm.1:00~4:00
[Saan?] Kawasaki International Center Hall
[Ano?]Kahalagahan ng pagpunta sa Highschool( Koukou),Sistema ng highschool at pagpili ng pagsusulit.
[Sino-sino] Mga estudyante ng junior highschool,(yr.1~3),Nagtapos na ng Jr.highschool at mga magulang nito.
[Paano?] Makipag-ugnay sa( koko.guidance@gmail.com)
Magpatuloy sa Mataas na Paaralan at Palawakin ang Kakayahan para sa Kinabukasan!
Aming inaasahan ang inyong Pagsali.

counter