Ang "Tokyo Olympics" ay ginanap din pagkatapos ng maraming hirap, at malapit ng matapos. Hinihintay na lang ang Paralympics na gaganapin sa Agosto 24. Siguradong karamihan ay nawiwili sa panonood sa bahay.
May mga 2 linggo pagitan ang Olympics at Paralympics, ngunit narito ang isang kaganapang tinatawag na "Obon" sa Japan.
Ang "Obon" ay isang kaganapan ng mga Buddhism ,na kung saan ang espiritu ng sinaunang ninunong Hapones (shinko) at Buddhism merge (yugo) (magkahalo).Na kalimitang kaganapan ay sa Hulyo, ngunit sa paglipas ng panahon, upang di matapat sa panahon ng agrikultura (ani), maraming mga lugar na ginaganap ang Obon mula Agosto 13- 16, ngunit natatangi ang Agosto 15.
Sinasabing ang kaluluwa ng mga ninuno ay umuuwi sa Ika-13 ng Agosto sa Obon. Bukas ang pinto at ang liwanag ng apoy sa mga pintuan ang palatandaan nila para madaling mahanap ang kanilang tahanan.
Sa Obon(altar sa Ingles) ,tinatawag sa "Welcome Bon"ang espirito ng kanilang ninuno.nag-aalay sila ng hugis-kabayong gawa sa Pipino at hugis-baka na gawa sa talong para sa pagbiyahe ng mga espirito.Ang Kabayo ay para sa mabilis nilang pagdating at ang baka ay para sa pagbalik nila ng banayad.
Sa mga Hapon,ang pag-alala sa kanilang namatay na kamag-anakan o ninuno sa tuwing tag-init na gaya nito"OBON" ay napakahalagang kaganapan bilang pampamilyang pagtitipon para sa kanila.
Kaya naman ating ipagdasal na humupa na ang sitwasyong sanhi ng pandemic at ng makauwi na ang mga tao sa kanilang mga bansa para makita ang mga kamag-anakan.