[Tungkol sa pagpapalista sa pagbabakuna ng COVID prevention At pag-uumpisa ng pakunsultahan gamit ang Zoom online mula Hulyo]

Ang Hunyo sa lumang katawagan sa Japan ay [Minazuki],ito ay (水の月.na ang水⁼tubig,月⁼buwan)o mizunotsuki.Buwan ng paglagay ng tubig sa palayan,ang etimolohiya o paliwanag sa pinagmulan ng salita. Dalawang impormasyon ang aming tatalakayin sa inyo.
1).Habang aming tinatalakay ang minazuki ,Ang pagbabakuna sa mga seniors mula 65 taong-gulang pataas ay nag-umpisa na.
Ang timing ng inyong pagtanggap ng tiket sa bakuna(kupon)ay magkakaiba depende sa inyong edad at kalagayan ng kalusugan.Panatilihin ang pag-ingat sa sarili at maging ligtas hanggang sa matanggap ito.
Maaari nyong icheck ang impormasyon sa site tungkol sa COVID-19,Pabakuna sa Kawasaki
https://www.city.kawasaki.jp/350/page/0000126099.html?furigana=on

Para sa mga dumating na ang sobre ng tiket ng pabakuna tungkol sa COVID,sa baba ay ang website ng Kawasaki tungkol sa vaccination,maaari nyong itsek dito ang mga impormasyon.
Notice on COVID-19 Vaccination :
https://www.city.kawasaki.jp/350/page/0000129626.html

Ang call center ng pagpaparehistro ng pagpapabakuna ay sumasagot din via multilingual :
Kawasaki City COVID-19 Vaccine Reservation Call Center
Phone: 0120-654-478 (8:30-18:00 Monday - Sunday)
Languages: English, Chinese, Korean, Portuguese, Spanish

Maaring sumangguni sa One-stop-Center sa Asosasyong Pandaigdig ng Kawasaki tungkol sa mga katanungan Ukol sa Programang Pagbabakuna.I-check sa website na ito.
https://www.kian.or.jp/kic/soudan.shtml

2).Mula sa Hulyo a-uno/1,ay magkakaroon na ng konsultasyon sa online gamit ang Zoom.Ang detalye ay tatalakayin sa susunod na paksa.

counter