"Golden Week" na!Ito ay bakasyon sa katapusan ng Abril at pagbubukas ng Mayo.
Sa ika-5 ng Mayo ay "Tango no Sekku",kung tawagin,pero nitong makabagong panahon ay tinatawag na"Araw ng mga bata", "itinuturing itong isang kaganapan sa paglaking malusog ng mga batang lalaki ", at sa mga batang babae naman ay sa Marso 3 "Hina Matsuri".
Ang "Tango no Sekku" ay isang batas sa Nara noong panahon ng ika-8 Siglo(8th century), at nag-umpisa bilang kaganapan para maiwasan ang pagkakasakit at kasawian , naging kaugalian ang pag inom ng dahon ng shobu na itinuturing na maganda sa kalusugan at pati na rin ang amulet [Yakuyoke] sa araw ng tango ,sa pagpapalit ng panahon.
Pagkatapos , sa era ng "rise of samurai", nagsimula ang pagdiriwang ng "Shobu" (Shobu = Taketatubu)(sa madaling salita,ang shobu as in warrior=samurai)[para sa batang lalaki na palakihing malakas,matapang at malusog.]Kalaunan ,ito ay naging kaugalian bilang kultura ng bayan para ipagdiwang ang pagsilang at kahilingan ng malusog na pagpapalaki ng batang lalaki mula pa nang panahon ng Edo na naging modernong "Tango no Sekku".
Sa Golden Week, magandang magrelaks sa " shobu-yu"o magbabad sa Hotwater na may shobu leaves. At pangontra na rin ng impeksyon o virus!