[Ekstensyon ng estado ng Emerhensya at Paghahanda sa pagdating ng tagsibol]

Ang estado ng emerhensiya na inisyu ng gobyerno noong Enero 7 ay pinalawig hanggang Marso 7 sa susunod na buwan dahil sa mataas na bilang ng mga nahawahan at malubhang may sakit. Mahirap para sa mga dayuhan na magkaroon ng mga paghihigpit at pasanin sa kanilang pamumuhay sa iba't ibang paraan, at siguradong sila`y nag-aalala tungkol sa kanilang mga pamilya sa kanilang sariling bansa. Ang sitwasyong ito ay napakahirap sa kalagitanaan ng winter, ngunit sa kabilang banda, ang kalikasan ay patuloy na naghahanda para sa tagsibol. Ang mga oras ng sikat ng araw ay humahaba sa araw-araw.Ang mga bulaklak na kaakit-akit na hudyat ng pagdating ng tagsibol ay nagsisimulang mamulaklak nang paunti-unti. Sa ganitong paraan, ang pagdating ng tagsibol, ay medyo nakakarelaks sa pakiramdam.
Tumatanggap kami ng mga konsulta sa inyong katutubong wika. Mangyaring tawagan ang one-stop foreigner consultation desk sa Kawasaki International Center. ℡044-455-8811 Naghihintay para sa inyo ang mga tagapayo sa 11 mga wika kabilang ang madaling-Hapon(Yasashi Nihonggo)

counter