[ Pagbati! Reiwa 3 ⋅ Taong 2021 ]

Manigong Bagong Taon sa ating lahat!
Inaasahan namin ang patuloy ninyong pagtangkilik sa taong ito. Sa umpisa ng taon ay [oshougatsu], at ang pinakaunang araw ay [元旦(Gantan) kung tawagin. Maraming mga kaugalian sa pagdiriwang ng bagong taon. Sa umaga ng Gantan, Enero uno ay maraming pumupunta sa malapit sa dagat at umaakyat ng bundok upang makita ang unang pagsikat ng unang araw ng taon[Hatsu hi no de/unang sikat ng araw]. At Para salubungin ang Diyos sa bagong taon ay kaugalian sa Japan ang mag General- cleaning bago matapos ang taon at sa Bagong taon naman ay may espesyal na palamuti sa bahay. harap ng pintuan. Sa harap ng pinto ay ang Dalawang[ Kadomatsu] Yari ito sa pahalang na putol na kawayan at pinetree. Mula sa sagradong Dayami at (Nawa) ay ang tinatawag na(Kamidana 神棚)Nagsisilbing bantay sa harap ng tahanan/pintuan ang (Shimenawa). At ang Alay sa Toshigamisama (Years Old-God) ay ang pinapatong na “Eno round Rice-cake(Kagami-mochi)” etc.

At Karamihan sa mga tao ay pumupuntas a Shrine/God Temple, para Pagbati sa Diyos sa Bagong taon. Hihilingin na maganda ang pagdating ng taon at itoy tinatawag na “Hatsumode”.
Dahil sa Bagong-taon, dapat ipagdiwang! At ang paraan ng Pagbati ay alinsunod sa nakaugalian sa Hapag-kainan ang Traditional na[O sechi], Ito ay iba-ibang pagkain/ulam na pang 3 araw. Isisilid sa isang parang kahon(obento-bako) Sa kadahilanang para makapagpahinga naman ng kahit na 3 araw ang maybahay sa pagluluto sa Bagong taon ayon sa mga kwento.

At mayroon ding kaugalian na magpadala ng mensahe sa pamamagitan “Nengajyo”/ o New year post card.
Bagaman, dahil sa kalakaran ng pagbabago, Ang bagong taon ay tinaguriang isang Tradisyunal na Kaganapan habang patuloy itong ipinagdiriwang sa higit ng 1500 taon.

Kung interesadong malaman ang mga tradisyunal na gaya nito, may mga nauugnay na mga aklat sa 2nd floor ng Kawasaki International Center sa silid-aklatan. Mangyaring pumunta at bumisita lamang dito. Tignan ang linked.
https://www.kian.or.jp/len/kic/003.shtml

counter