[Shiwasu]

Wala ng 1 buwan at matatapos na ang Taon.
Ang katawagan sa buwan ng Disyembre sa mga sinaunang-hapon ay (Shiwasu) na ibig sabihin na ang maestrong tumatakbo .Isa siyang monk master na abala sa huling mga araw ng taon at sa mga pagdiriwang ng Buddhist.Kaya naman ang paniniwala o kaugalian sa Japan ay ang Disyembre ang "pinaka-abalang-taon" na kahit pa ang master na tahimik ay tumatakbo sa kabusyhan.Sa mga ganitong pagkakaton,sa sobrang kaabalahan,di natin iniinda ang ating kalagayan.Kaya`t dapat nating ingatan ang kalusugan at maging handa at masayang salubungin ang pagpasok ng bagong taon!