Mayroong [Tsuyu] na tinatawag sa Japan ,at ito ay ang panahon ng Tag-ulan. Umpisa na ngayon at magtatagal ng isang buwan at kalahati ,hanggang Hulyo. Ang halumigmig ng temperatura ay mataas sa panahong ito,maaaring masira ang pisikal na kondisyon ng katawan.Gayundin,maging maingat tayo sa pagkalason sa pagkain(madaling mapanis ang pagkain sa alinsangan ng panahon).
Ang Tsuyu ay isinulat sa kanji ng (梅/ume) at (雨/ulan). May iba`t-ibang theories tungkol sa pinagmulan ng Kanji nito,ngunit sa kanila ay ang teorya ng paghihinog ng PLUM sa maulan na panahon.Umeboshi ,isa itong inasinang sirwelas o plum at maganda at epektibo na pang-alis ng pagod at init ng katawan. At maganda rin itong preservatives panlagay sa baon.Kaya `t noon pa man,dito sa Japan ay maraming pamilya ang gumagawa ng umeboshi. Maigi ito sa mahabang maulan na panahon.]