Ang Tuberculosis ay humahawa sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahing na may kasamang bacteria galing sa pasyente. Sa umpisa ay para itong ordinaryong trangkaso at ubo na kalaunan ay dumadalas na pag-ubo at mauuwi sa grabeng ubo. Ayon sa ulat sa diyaryo nang nakaraang taon, ang bilang ng mga dayuhang nagkaroon ng TB ay umabot sa napakataas na bilang.
Sa ngayon ay may mga magaling na gamot na sa TB, kaya kapag nagtagal ang ubo ay wag mag-atubiling magpasuri sa doktor.