Ang Hand,Foot and Mouth disease/HFMD ay uso na naman!

Ang Hand, Footh and Mouth disease ay isang viral impection sa loob ng bibig, sa kamay at sa talampakan ng paa na nagdudulot ng mga pantal na may 2–3 ml na tubig at may dalang lagnat na aabot ng hanggang 38 degrees. Kapag nagkaroon na nito ay walang gamot para dito kundi antayin lamang na kusang gumaling. Ang dalang mikrobyo nito ay maaaring sumama sa pag-ubo at paghatsing at pati na ang laway at dumi ay may mikrobyo ng sakit na ito at humahawa. Kaya naman ipinapayo ang paghuhugas ng maigi ng kamay at iwasang makigamit ng tuwalya ng ibang tao.

counter