Tungkol sa Pagbabalik ng Buwis

Konsehal ng awtoridad na lokal para sa relasyong pang-internasyonal
website: http://www.clair.or.jp/tagengo/ lamang (Ingles, Aleman, Intsik, Koreya, Pranses, Espanyol, Portuges, Tagalog, Vietnam, Indonesia, Thai, Russia, kasama rin ang Myanmar na wika)
Simula taong 2017 Enero 1 hanggang Disyembre 31 sa loob ng 1 taon ang halaga ng buwis ay kinakalkula para sa halagang kita na nakuha sa taon, gagawa ng pangwakas na deklarasyon.Ang mga taong may sariling negosyo, agrikultura,at mga freelancers ay obligadong magsumit ng kanilang kinita. Sa karamihan na Suwelduhan lamang ay hindi na kailangan, ngunit ang mga sumusunod ay dapat mag-pasa ng kanilang huling pagbabalik(tax-refund)

  • Ang taong kinita sa suweldo ay higit sa 20 milyong yen sa loob ng 1 taon.
  • Ang mga taong nakakuha ng suweldo mula sa 2, o higit pang mga lugar atbp.

Ang isang kopya ng TAX-REFUND ay maaaring kailanganin kapag binago o nagbago sa katayuan ng paninirahan.Itago natin ito.
- Kung may dependent sa sariling bansa, maaaring makatanggap ng deduction.
Kung hindi ka nakatanggap ng deduction para sa dependency, ipahayag ang mga kinita at sinahod sa Final tax return at ibalik ang buwis(irefund).

Tanggapan: Pebrero 16, 2018(Biyernes)- Marso 15 (Huwebes)

Mga kinakailangan para sa huling pagbabalik:

  1. Form ng Tax Return(Makikita sa tanggapan ng buwis)- Kinakailangan ang “My Number” sa aplikasyon na ito.
  2. Katunayan ng kita ng nakaraang taon(Slip ng mga pinagkakitaan at rekord ng mga pagbabayad)
  3. Pang-residenteng kard
  4. Mga kinakailangan kung may tinutustusan(Sertipiko ng Kapanganakan ng tinutustusan sa sariling bansa, Mga dokumentong nagpapatunay ng relasyon ng pamilya, Katibayan na nagpapadala ka atbp.)
  5. Mga kailangan para sa pagbawas ng premium ng segu(Sertipiko ng pagbawas ng seguro)
  6. Pagkuha ng medikal na gastos (Resibo)
  7. Selyo o pag-pirma atbp.

Lugar Tanggapan sa Lungsod ng Kawasaki:

Opisina: Kawasaki-Kita zeimusho
Matatawagan: Takatsu-Ku, Hisamoto, 2-4-3 (044-852-3221)
Tinitirhang Rehiyon: Nakahara Ku, Takatsu Ku, Miyamae Ku
Opisina: Kawasaki-Nishi zeimusho
Matatawagan: Asao-Ku, KamiAsao, 1-3-14 (044-965-4911)
Tinitirhang Rehiyon: Tama Ku, Asao Ku
Opisina: Kawasaki-Minami zeimusho
Matatawagan: Kawasaki-Ku, Enoki-Cho, 3-18 (044-222-7531)
Tinitirhang Rehiyon: Kawasaki Ku, Saiwai Ku

Ang impormasyon sa website ng National Tax Agency ay nasa Ingles.
Impormasyon tungkol sa Income Tax http://www.nta.go.jp/taxanswer/english/gaikoku.htm
National Tax Agency JAPAN http://www.nta.go.jp/foreign_language/index.htm

counter