Mga araw ng Koleksyon ng Basura at Recyclables para sa Tapos at Simula ng Taon

Hanggang ika-30 ng Disyembre(Sabado)-Ang Koleksyon ay susunod sa normal na iskedyul
Mula Disyembre 31(linggo)-hanggang Enero 3(Miyerkules) ay WALANG KOLEKSYON
Mula ika-4 ng Enero(Huwebes) ay babalik sa normal na iskedyul ang koleksyon ng basura.

*Recyclables*...Walang laman na lata at bote,Pet-bottles,gamit na baterya,Mix papers,Plastic.

.Maliit na metal.Malaking basura(Sodai Gomi)
Hanggang sa pagtatapos ng taon(Disyembre 28,Huwebes) at mula sa simula ng taon (Enero 4,Huwebes)ay babalik sa normal na iskedyul ang koleksyon.
*Ang Koleksyon ay ginaganap ng 2 beses sa isang buwan,para sa bawat lugar.
.Aplikasyon para sa Koleksyon ng malaking basura(sodai-gomi)
Para ikolekta ang malaking basura(sodai-gomi)kailangan iapply sa Sodai-gomi Uketsuke Center,hindi kokolektahin ang sodai-gomi kung walang aplikasyon.
.SODAI GOMI UKETSUKE CENTER:
Hanggang sa ika-30 ng Disyembre(Sabado),at mula ika-4 ng Enero (Huwebes)
044-930-5300 FAX 044-930-5310(Para lamang sa mga may problema sa pagdinig)
oras: am 8:00- pm 4:45 (liban ang linggo at mula Disyembre 31-Enero 3)
*Sa mga hindi marunong mag nihongo,makisuyo sa inyong kakilala na marunong magnihongo
(Kung maraming aplikante ,ang koleksyon ay maaaring maiskedyul sa susunod ng araw ng koleksyon.

Paunawa:

  • Magkakaiba ang araw ng Koleksyon depende sa tinitirhang lugar. Mangyaring ikumpirma muna ang araw bago ilabas ang basura at recyclables.
  • Ilabas ang basura at recyclabes bago mag 8:00 ng umaga ng araw ng koleksyon.
  • Sa tapos at simula ng taon,maaaring mabago ang oras ng pangungulekta sa dahilang madaming basura.
  • Huwag ilabas ang basura pagkatapos ng Koleksyon at sa araw na hindi makokolekta.
counter