Pagpa-file ng Final Income Tax Return

Final Income Tax Returns

(Foundation)mula sa HP ng Konseho ng local na awtoridad ng International Association,
http://www.clair.or.jp/tagengo/
(May paliwanag na nakasalin sa Ingles, German, Intsik, Korean, Pranses, Espanyol, Portuges, Tagalog, Vietnam, Indonisian, Thai, Russiaat Myanmar).

Mula 1/1 – 12/31, 2016(buong isang taon) Ang nakalkulang kabuuan ng kinita ay kinakailangang ireport.

Sa mga may sariling negosyo,Agrikultura/magsasaka at mga freelancers ay obligadong magreport.

Sa mga karaniwang empleyadong sumasahod ay hindi na kinakailangan, subali’t ang mga sumusunod ay kinakailangang magsumite ng kanilang kinita.

  • Sa mga umaabot ng 20 million yen(2000man yen)ang kinita sa loob ng 1 taon
  • Sa mga sumasahod sa mahigit na 2 lugar at iba pa

Itago ang inyong resibo, maaaring kakailanganin ang kopya nito sa pagpapapalit ng status, pagrerenew ng residence cert. o pagpaextend ng visa.

♦ Sa sitwasyong may dependent ka sa sariling bansa, maaari kang bawasan ng income tax para sa iyong dependents(dependency deduction), subalit kapag walang nakakaltas para sa dependent mo, maaaring mag file ng tax return para mairefund ang buwis na binabayaran para sa iyong dependents.

[Panahon ng pag-aaplay]
Pebrero 16(Huwebes) – Marso 15(Miyerkoles)
[Mga kinakailangan sa pag-aaplay]
  1. Tax return form(makikita ito sa mga tax offices)
    ♦ Sa application form at iba pa,may susulatan tungkol sa “My Number”.
  2. isang bagay na makakapagpatunay ng kabuuang kinita sa nakalipas na taon(tulad ng Gensen choshoshou/withholding tax slip at resibo ng pagbabayad)
  3. Residence card
  4. mga bagay na kinakailangan para sa deduction ng dependents(birth certificate ng dependents at resibo ng pagpapadala/pagreremit ng pera)
  5. resibo ng pagbabayad ng buwis(insurance deduction cert.)
  6. medical fee deduction(resibo)
  7. hanko/inkan o kaya ay pirma at ibapa.
[Tanggapan ng tax offices sa Kawasaki]
  • Nakahara-ku, Takatsu-ku, Miyamae-ku
    Opisina: Kawasaki-Kita zeimusho
    Lugar: Takatsu-ku, Hisamoto, 2-4-3
    Telepono: 044-852-3221
  • Tama-ku, Asao-ku
    Opisina: Kawasaki-Nishi zeimusho
    Lugar: Asao-ku, Kami-Asao, 1-3-14
    Telepono: 044-965-4911
  • Kawasaki-ku, Saiwai-ku
    Opisina: Kawasaki-Minami zeimusho
    Lugar: Kawasaki-ku, Enoki-cho, 3-18
    Telepono: 044-222-7531

♦ Makikita ang impormasyon na nakasalin sa Ingles sa Homepage ng National Tax Agency.

Impormasyon tungkol sa Income Tax
http://www.nta.go.jp/taxanswer/english/gaikoku.htm
National Tax Agency JAPAN
http://www.nta.go.jp/foreign_language/index.htm