Ang Ohisama (“Mister Sun”) Solar Power Station na sinimulan ng mga mamamayan ay isang pasilidad na ikinabit sa Kawasaki International Center kung saan ito ay magsisilbing generator na pagmumulan ng kuryente. Ito ay proyektong “Citizen-initiated Power Station” na inumpisahan ng mga lokal na mamamayan laban sa pagpigil ng pag-init ng daigdig o global warming.
Ang pangunahing bahagi ng Citizen-initiated Ohisama Solar Power Station ay ang kakayahan ng mga mamamayan ng siyudad na kaya nilang suportahan ang pagpapagawa nito ng walang tulong mula sa gobyerno. Ang proyektong “Citizen-initiated Power Station Project” ay galing sa mga donasyong nagmula sa mga mamamayan at mga negosyante. Ang ibang pondo ay galing sa Green Electricity Fund (*1) at ang ibang halaga ay pinunuan sa pamamagitan ng pagpapahiram ng ap bank (*2) upang itatag ang establismentong ito.
Malaki ang paniniwala na ang Citizen-initiated Ohisama Power Plant ay isa ring epektibong simbolo upang itaguyod ang pagpapalaganap ng nababagong enerhiya sa Siyudad ng Kawasaki. Ipinapaabot din ang mensaheng ito sa karamihang indibidwal mula sa ibang bansa na makakakita sa pasilidad na ito ang katunayan kung paano ang determinasyon ng mga mamamayang lokal laban sa global warming.
11カ国語の説明文(順不同)